Jed copy

AYAW nang patulan ni Jed Madela ang mga below the belt na pasaring sa kanya ng bashers niya sa social media. Inili-link kasi ng mga ito si Jed sa batang singer na si Darren Espanto.

Ikinalulungkot ni Jed ang isyu, pero mas makakabuti kung hahayaan na lang niya at patuloy na dedmahin ang mga ito.

“Darren is just a kid, I feel sad for that. There are times when bashers go overboard but I try not to mind them,” sabi ni Jed.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ayon sa magaling na singer, kahit anong pangangatwiran ang gawin niya ay mas mananaig pa rin naman ang maruming malisya ng mga ito.

Siyempre, nalulungkot si Jed para kay Darren. Mabuti na nga lang daw at hindi na rin pinatulan ng huli ang isyu.

“On my end, I just really believe in his talent and I want to help him in his carreer. He has a bright future as a singer,” seryosong lahad ng tinaguriang “The Voice”.

Nalulungkot man sa lumabas na isyu, masaya pa ring ipinakiusap ni Jed sa mga tagahanga niya ang nalalapit niyang concert na The Iconic Concert Series: Jed Madela Sings Celine na gaganapin sa Music Museum sa August 19.

Tulad ng title, kakantahin niya ang mga sikat na awitin ni Celine Dion na kinabibilangan ng The Prayer, My Heart Will Go On at maraming iba pa.

Samantala, sina Denise Laurel at ang bagong tinanghal na champion sa WCOPA (World Champion of Performing Arts) na 5th Gen, directed by Marvin Caldito and produced by Dreamstarevents and Calvin Chua. (JIMI ESCALA)