The Rock at Vin copy copy

PATULOY ang iringan nina Dwayne “The Rock” Johnson at Vin Diesel, at ayon sa source ay matagal nang tumitindi ang namamagitang tensiyon sa dalawa.

“Tension has been building up for months,” sabi ng source sa PEOPLE. 

Si Johnson ang unang nagpahiwatig tungkol sa iringan sa kanyang maghabang post sa Instagram na tumutukoy sa kanyang ibang male co-stars noong Lunes. Ngunit sinabi ng source na nagsimula ang problema nang madismaya si Diesel sa pag-uugali sa set ng wrestling pro.

BALITAnaw

'Chapter closed:' Ang KathNiel sa loob ng 11 taon

“Vin has been having problems with The Rock because The Rock keeps showing up late for production,” kuwento ng source. “Sometimes he doesn’t show up at all and he’s delaying the production.” 

May mga balita ring lumalabas na may diva behavior si Diesel, partikular sa pag-shoot sa pelikulang Fast 7. “Vin spent a whole day in his trailer one day,” sabi ng source sa The Hollywood Reporter noong Oktubre. “The next day, they waited four hours for him. He called a meeting [May 28] of studio execs to his trailer for two-and-a-half hours to say, ‘What the f— am I doing here?’” 

Sinabi rin ng isang source sa Page Six na si Diesel, “was constantly late (when we worked together). Dagdag pa ng source, “(Diesel) acted like a diva and has held up production before” at “it’s not surprising that he’s the one The Rock is calling out.” 

Sa kanyang Instagram, pinasalamatan ni Johnson sa sequel, ang mga “hard working” crew, ang Universal Studios, at kanyang “amazing” female co-stars. “My male co-stars, however, are a different story,” aniya. “Some conduct themselves as stand up men and true professionals, while others don’t,” pagpapatuloy ni Johnson. “The ones that don’t are too chicken s*** to do anything about it anyway. Candy asses.” 

Nagkita umano sina Diesel at Johnson nitong Martes sa Atlanta set ng pelikula, ayon sa TMZ, para pag-usapan ang kanilang sigalot. “I think there were some words said yesterday about this and that’s what started this whole thing online but the tension has been going on for months,” sabi ng source. (People.com)