ALEPPO (Reuters) – Patay ang apat katao at maraming iba pa ang nahirapang huminga nang bagsakan ng chlorine gas at barrel bombs ang lungsod ng Aleppo sa Syria noong Miyerkules.

Ayon kay Hamza Khatib, manager ng Al Quds hospital sa Aleppo, na nakapagtala ang ospital ng apat na namatay sa gas poisoning at 55 nagtamo ng pinsala. Pitong katao pa ang ginagamot.

Sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights na ibinagsak ng mga helicopter ang mga explosive barrels sa pamayanan ng Seif al Dawla at Zubdiya.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline