NEW DELHI (AP) – Isang dating mambabatas at pitong iba pa ang hinatulan ng kamatayan ng special tribunal sa mga krimen noong panahon ng independence war ng Bangladesh sa Pakistan.
Si Sakhawat Hossain, dating miyembro ng central committee ng Islami Chhatra Sangha, ay hinatulan na mamamatay noong Martes sa papel nito bilang local commander ng grupo na tumulong sa mga sundalong Pakistani na pumatay ng 3 milyong katao at gumahasa ng 200,000 kababaihan noong 1971, ayon sa Bangladesh.