Malayo sa isip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-abuso sa emergency powers na gagamitin para resolbahin ang problema sa transportasyon.
“We can trust the President will not go beyond as he himself encouraged the FOI (freedom of information),” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Binigyang diin ni Abella na limitado lang sa trapiko ang emergency powers at tiyak na hindi lalampas dito ang Pangulo.
Magugunita na sinabi ni Senator Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, na ibibigay din naman ng komite ang emergency powers sa Pangulo ngunit kailangan nilang matiyak na hindi ito maaabuso.
“We will not go for vague powers or blank checks,” ani Poe, dahilan upang hihimay-himayin ng komite ang bawat detalye ng kapangyarihan, gayundin ang plano ng gobyerno kung papaano iibsan ang matinding trapiko. (Genalyn Kabiling)