Pinapurihan ni Pangulong Duterte si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa pagbabalik kahapon ng bayani ng bansa sa quadrennial Games.
“Silver medal is a silver medal, malaking bagay ito. Ikinagagalak ko ang tagumpay na alay mo sa bansa. Susuportahan ko ang lahat ng plano mo para sa sports at sa susunod mo pang pagsali sa Olympics,” pahayag ni Duterte sa naunang panayam matapos ang pagwawagi ni Diaz sa 53 kg women’s weightlifting competition.
Nakahanda ang red-carpet kay Diaz sa kanyang pagdating sa Panacanang sa Davao City.
Sa itinerary na inihanda ng Philippine Sports Commission (PSC) isang press conference ang isinagawa sa pagdating ni Diaz at kasanggang si Nestor Colonia dakong 4:30 ng hapon kahapon.
“After the media briefing, tuloy na kami pa-Davao City para a meeting nila ni Presidente Duterte,” pahayag ni PSC commissioner Charles Maxey.
Kasama ni Diaz patungong Davao ang kanyang magulang at ilang kaaanak, gayundin sinaPSC chairman William ‘Butch’ Ramirez at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City.
Nakatakdang tanggapin ni Diaz ang P5 milyong cask incentive mula sa pamahalaan at pabahay kaloob ng 5990 Deco Homes na nakabase sa Davao.
Magbibigay din si Zamboanga City Mayor Ma. Isabelle ‘Bhing’ Climaco ng P500,000.00.