Isang malamig na bangkay ng matandang lalaki ang natagpuan ng estudyante sa harapan ng isang closed van sa Sta. Cruz, Manila, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Manila Police District (MPD)-Station 3 commander Police Supt. Santiago Pasacual III ang biktima na si Alberto Pontino, 72, na walang permanenteng address.

Sa ulat ni PO3 Roderick Kabigting, nabatid na dakong 10:00 ng gabi nadiskubre ni Charles Ong, 16, estudyante, ang bangkay ni Pontino sa harapan ng closed van (NNR-464), na may body markings na C.D. Punzalan Service & General Merchandise, at nakaparada sa Lope de Vega St., Barangay 335, Sta. Cruz, Manila.

Napadaan umano si Ong sa lugar at napansing patay na ang biktima kaya’t agad niya itong ipinaalam sa mga opisyal ng barangay.

National

‘Di balat-sibuyas? Usec. Claire Castro bilang gov’t official: 'Okay lang sa aking mapuna!'

Tumanggi naman ang mga apo ng biktima na paimbestigahan pa ang pagkamatay ng biktima sa paniwalang walang foul play na nangyari. (Mary Ann Santiago)