Pinatawan ng Sandiganbayan ng 90-araw na preventive suspension ang bise alkalde sa isang bayan sa Bohol at apat pang lokal na opisyal dahil sa kinakaharap nilang kasong graft makaraang ibasura umano ang aplikasyon para sa renewal ng isang cockpit license.

Sinuspinde si Bien Unido Vice Mayor Rene Borenaga at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Patricio Avenido, Eduardo Gentapa at Froilan Romo; at si Tagbilaran City Assessor Rogelio Villarias.

“Respondents are facing trial before the Sandiganbayan for violation of Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act after investigation found that they arbitrarily rejected the renewal of cockpit license of private complainant Virginia Baruffol,” ayon sa hukuman.

Ayon kay Baruffol, matapos tanggihan ang kanyang aplikasyon sa license renewal ng kanyang negosyo ay binigyan naman umano ng prebilehiyo ng apat na opisyal ang hindi rehistradong business entity na kontrolado ng mga kaanak ni dating Mayor Niño Rey Boniel.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nahaharap din sa katulad na kaso sina Petronilo Justiniane, Alejo Boniel at Sotero Macua, Jr. (Rommel P. Tabbad)