CALATAGAN, Batangas - Tatlong bangkay, kabilang ang isang umano’y drug pusher, ang natagpuan sa loob ng isang bahay sa Calatagan, Batangas.

Kinilala ang mga biktimang sina Richard Dinglasan, ikasiyam sa drug watchlist; Mauricio Pinili; at Bianca Capacia.

Ayon kay Senior Insp. Joey Jonathan Bagayao, hepe ng pulisya, dakong 12:30 ng hatinggabi nang umano’y pagbabarilin ang mga biktima sa bahay ni Pinili sa Barangay Biga.

Pinaghahanap pa ng mga pulis ang hindi nakilalang suspek habang inaalam ang motibo sa krimen. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar