Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang operasyon ng dalawang mining firm sa Eastern Samar dahil sa idinudulot umanong polusyon ng mga ito.

Tinukoy ni DENR Secretary Gina Lopez na suspendido ang chromite miner na Mt. Sinai, at ang nickel miner na Emir Mineral Resources Corporation.

Ayon sa kalihim, matagal nang nagdudulot ng polusyon sa ilog ang operasyon ng dalawang minahan.

“The audit team found that Mt. Sinai caused the siltation of a river and recommended their suspension,” paliwanag naman ni DENR Undersecretary Leo Jasareno, sinabing kapareho rin ang naging paglabag ng Emir Mineral.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi pa ni Jasareno na kabilang ang Mt. Sinai at Emir Mineral sa walong minahan na sinuspinde ng DENR, alinsunod sa kampanya ng kagawaran laban sa ilegal at iresponsableng pagmimina. (Rommel P. Tabbad)