LISBON, VITROLLES, (AFP) – Tatlo katao na ang namatay at libu-libong pa ang lumikas sa mga wildfire sa Portugal at France.

Ilang araw nang nilalabanan ng isla ng Madeira sa Portugal ang forest fire na pumatay na ng tatlong katao, lumamon sa maraming kabahayan at isang hotel at nagbunsod ng paglikas ng 1,000 residente.

Humingi ng tulong ang Portugal sa European partners nito noong Miyerkules para labanan ang maraming sunog sa isla na kilala bilang “Pearl of the Atlantic”. Tumugon ang Italy at nagpadala ng isang eroplano para suportahan ang dalawa pang eroplano na ipinadala naman ng Spain.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

May 1,500 bombero naman ang lumalaban sa mga wildfire sa kanayunan sa hilaga ng Marseille, France na lumamon sa mga gusali at nagpuwersa ng paglikas ng mahigit 1,000 katao sa bayan ng Vitrolles.

Dahil sa malakas na hangin, lumaki ang apoy dakong 3:30 ng hapon nitong Miyerkules at kumalat sa mahigit 2,260 ektarya ng damuhan at kakahuyan, ayon sa mga bombero.

“We haven’t seen a situation like this for a very long time,” sinabi ng fire service.