Kasalukuyang ipinapakilala ang Tubbataha Reefs Natural Park sa 360° immersive experience sa Oceanographic Museum sa Monaco, ayon sa kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.
Ginamit ang footage para sa virtual reality experience na kinuhaan pa noong bumisita sa Pilipinas si H.S.H. Prince Albert II ng Monaco noong Abril 2015.
Ang nasabing inisyatibo ay pinangunahan mismo ni Prince Albert II bilang patunay ng pagpapaangat sa kamalayan ukol sa isyu ng mga pawikan (sea turtles).
“The 360˚ video exhibition, viewed through a mobile phone attached to a virtual reality headgear and a headphone, is available in French and English. The video features a mix of footage of Prince Albert’s expedition, including the boat ride to the site, the Prince’s interaction with Filipino locals, underwater footage of marine life as well as the tagging of sea turtles for the Oceanographic Institute’s scientific research,” ayon sa kalatas.
Nagkaroon naman ng oportunidad ang mga kinatawan mula sa Embahada ng Pilipinas sa France at ng Department of Tourism office sa Frankfurt na bisitahin ang nasabing exhibition noong Agosto 5. (Bella Gamotea)