Opisyal nang balik lona si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Matapos ang pakikipagpulong kay Top Rank promotion president Bob Arum nitong Martes, kinumpirma ng eight-division world champion ang pagbabalik sa aksiyon kontra kay World Boxing Organization welterweight champion Jessie Vargas sa Nobyembre 5 sa Las Vegas, Nevada.

Tumataginting na US$20 million ang guaranteed prize na tatanggapin ni Pacman.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Yes, the fight is on. I have agreed to a November 5 fight with reigning WBO welterweight champion Jessie Vargas,” pahayag ni Pacquiao.

“Boxing is my passion. I miss what I’d been doing inside the gym and atop the ring.”

Nakatakdang bumiyahe si Pacquiao sa Amerika sa Setyembre 9 para sa media conference ng laban, gayundin para sa promotional Tour.

Inamin din ni Pacquiao na ang boksing ang pangunahin niyang hanap-buhay, ngunit iginiit na hindi niya pababayaan ang kanyang trabaho bilang Senador.

“Boxing is my main source of income. I can’t rely on my salary as public official,” sambit ni Pacquiao.

“I’m helping the family of my wife and my own family, as well. Many people also come to me to ask for help and I just couldn’t ignore them.”

“My entire training camp will be held here in the Philippines so I can attend to my legislative works. This is my campaign promise and I’m determined to keep it.”

Tangan ng 27-anyos na si Vargas ang 27-1-0 karta, habang nahila ni Pacquiao ang marka sa 58-6-2 matapos magwagi via decision sa kanyang huling laban kay Tim Bradley nitong Abril. (Gilbert Espena)