Inaasahang kikita ang gobyerno ng tinatayang P28.214 milyon sa pagsusubasta ng Bureau of Customs (BoC) sa mga kalakal na inabandona o lumampas sa ibinigay na palugit pabor sa pamahalaan.
Gaganapin ang public bidding dakong 10:00 ng umaga ng Agosto 17 at 24 sa mga puwerto ng Manila at Davao, alinsunod sa mga probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Sa Port of Manila, inaasahan na kikita ang Bureau ng P13.139 milyon sa mga kontrabado na kinabibilangan ng mga second-hand na sasakyan, steel products, at plywood. Sa Port of Davao, P15.075 milyon ang inaasahang kikitain mula mga second-hand na truck, luxury vehicles, steel pipes, piyesa ng sasakyan, at pre-engineered building (PEB) steel.
(Mina Navarro)