RIO DE JANEIRO (AP) – Nabasag ang dalawang bintana ng isang Olympic bus na sinasakyan ng mga mamamahayag nang tamaan ito ng hindi pa matukoy na bagay noong Martes ng gabi. Tatlo katao ang nasugatan.

“We don’t know yet if the bus was shot, or it was a stone,” sabi ni organizing committee spokesman Mario Andrada, idinagdag na tatlo sa 12 mamamahayag ang nasugatan nang mabasag ang dalawang bintana ng bus at tamaan ang mga ito ng mga bubog.

“There was kind of a popping noise and something hit two windows on the side of the bus and left two hole marks, which looked like bullet holes,” sabi ni David Davies, photographer ng British-based news agency Press Association.

Ayon sa kanya kaagad silang dumapa sa sahig, at hindi alam kung ano ang nangyayari. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang isang police escort.

National

Amihan, shear line, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH

Nanggaling ang bus sa northern venue cluster ng Deodoro at patungo sa Olympic Park sa Barra da Tijuca nang ito ay pinaputukan sa Trans Olympic Highway dakong 7:30 ng gabi.

Iniimbestigahan na ng Olympic Games Organizing Committee ang bayolenteng insidente.