RIO DE JANEIRO (AP) – Sementado na ang bantayog ni American Michael Phelps bilang isang Olympic greatest athlete.

Sa career na tumagal nang mahigit isang dekada, nakopo ng 26-anyos swimmer ang ika-21 gintong medalya matapos sandigan ang US Team sa 4x200-meter freestyle relay nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Halos isang oras matapos sungkitin ang No.20 nang pagbidahan ang 200-meter butterfly, umarangkada si Phelps para tulungan ang koponan na kinabibilangan din nina Conor Dwyer, Townley Haas at Ryan Lochte.

Nakuha ng Great Britain ang silver at bronze ang Japan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa 200-meter, naiganti ni Phelps ang kanyang pagkatalo sa 2012 London Olympics. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)