RIO DE JANEIRO – Nabigo ring makausad sa susunod na round si Fil-Japanese Kodo Nakano nang mabigo kontra Matteo Marconcini ng Italy sa 81 kg class ng judo competitions nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa 2016 Rio Olympics.

Hindi nakaporma si Nakano, first-time Olympian, laban sa beteranong karibal na nagwagi ng silver medal sa Almaty Grand Prix nitong Mayo sa Kazahkstan.

“Malakas. Magaling,” sambit ni Nakano.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Sa loob lamang ng isang minuto at 19 na segundo ng unang round, sumuko si Nakano sa pamamagitan ng Ippon.

Naglaro si Nakano bilang ‘replacement’ ng Iranian judoka na umatras sa laban.

“I’m still happy. Olympics ito,” aniya.

“Laban ko not very good,” aniya.

Umaasa siyang mananatili sa National Team para makalaban sa international competition tulad ng SEA Games, Asian Games, at World Championship.