Tinaya ng isang kilalang ekonomista na papalo sa 7.7 porsiyento ang taunang paglago sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa dahil sa malinaw na mga planong pang-ekonomiya ng bagong administrasyon at masigasig na pagpapatupad sa mga ito.

Bukod dito, inaasahan din ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na mababawasan ng 15% ang bilang ng mahihirap na Pinoy kasabay ng 30 milyong madadagdag sa middle class sa bansa sa susunod na anim na taon.

Sa kanyang concept paper na “Philippine Socio-Economic Prospects Under the Duterte Administration”, tinukoy ng kongresista na nakaangkla ang mga programa ng administrasyon sa “six pillars” para sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Ang anim na “pillars of economic growth” ng administrasyon, ayon kay Salceda, ay ang 1) humuhusay na pangangasiwa sa gobyerno; 2) lumalagong “economic opportunities”; 3) sumusulong na kakayahan ng mga Pinoy; 4) lalong lumalawak na “national potential”; 5) sumusulong na katarungan—pagtuwid sa hindi pagkakapantay-pantay at pinaigting na “social protection” ng mamamayan; at 6) pagpopondo sa mga programang “inclusive development.”

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar