MADRID (AP) – Inaresto ng Spanish police ang isang lalaki na tumakbo sa tarmac ng Barajas airport ng Madrid para habulin ang isang flight ng Ryanair patungo sa Canary Islands matapos hindi siya umabot sa boarding.

Sinabi ng tagapagsalita ng AENA airport authority kahapon na agad na inaresto ang lalaki pagdating nito sa Canary Islands noong Biyernes.

Ayon dito, dumaan ang lalaki sa security sa boarding area bitbit ang kanyang ticket para sa flight ngunit hindi ito umabot sa tamang pagsakay sa eroplano. Tumakbo siya sa fire exit at tumalon sa tarmac. Hindi pa malinaw kung paano siya nakapasok sa eroplano.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline