Isama sa benepisyo ng Philhealth ang drug rehabilitation.
Ito ang isinusulong ng HB 1642 o “An Act providing for affordable drug rehabilitation treatment for Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) beneficiaries, further amending Republic Act No. 7875 as amended.”
Ayon sa may-akda na si Rep. Linabelle Ruth R. Villarica, kailangang magkaloob ang Estado ng abot-kayang rehab traetment sa mga drug dependent. Sa 2009 survey, 2,000 lamang sa may 1.7 milyon adik sa bansa ang nagpagamot dahil napakamahal ng singil sa mga pribadong drug rehabilitation facility. (Bert de Guzman)