May 308 katao ang naitalang nasawi dahil sa dengue virus sa buong bansa.
Ayon kay Health Spokesman Dr. Eric Tayag, ang naturang dengue deaths ay kabilang sa 70,697 kabuuang kaso ng dengue na nai-rekord simula Enero 2 hanggang Hulyo 23, 2016.
Mas mataas umano ang naturang bilang ng 19 na porsiyento kumpara sa mga kaso na naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.
Kaugnay nito, patuloy ang paalala ni Tayag sa publiko na mag-ingat laban sa naturang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok.
Itinuturing ng DoH na peak season ng dengue ang Agosto at Setyembre, kung kailan madalas makaranas ng ulan ang bansa.
(Mary Ann Santiago)