BEIJING (Reuters) – Naglunsad ang China ng bagong satellite na magbabantay sa mga inaangkin nitong lugar sa South China Sea, iniulat ng pahayagang China Daily noong Huwebes.

Ang “Gaofen 3” satellite na inilunsad noong Miyerkules ay mayroong radar system na kumukuha ng mga imahe mula sa kalawakan at kayang gumana anumang panahon, sinabi ng State Administration of Science, Technology and Industry for National Defence sa pahayagan.

“The satellite will play an important role in monitoring the marine environment, islands and reefs, and ships and oil rigs,” iniulat ng China Daily na sinabi ni project leader Xu Fuxiang.

“Satellites like the Gaofen 3 will be very useful in safeguarding the country’s maritime rights and interests,” dagdag niya, ayon sa pahayagan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina