Hindi makakalabas ng bansa ang mayayamang negosyante na hindi nagbabayad ng sapat na buwis.

Ito naman ang pagtutuunan ng pansin ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan hinihintay na lamang umano nito ang listahan ng tax evaders mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

“Diyan sa immigration, sasabihin ko parahin mo kasi may violation ‘yan. I will order the BIR to file cases. Once it is pending in court, your freedom of movement is curtailed,” ani Duterte sa Davao City kahapon ng umaga.

“Yung ibang kriminal bakit ‘di nakakalabas, kasama na kayo. It’s always a crime if you do not pay taxes proper, correctly,” dagdag pa nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong Lunes, umapela si Duterte sa mayayamang negosyante na magbayad ng sapat na buwis upang hindi ma-harass ng gobyerno.

“Magbayad ka ng taxes sa tama, then you are free of any worry at least for all time during the year you have fully complied with the law. I will never never allow anybody also to disturb you,” dagdag pa ng Pangulo.

Kapag hindi nagbayad ng sapat na buwis, sinabi ng Pangulo na pulis at militar ang kukuwestiyon sa mga ito.

(Genalyn Kabiling)