JAEN, Nueva Ecija - Patay agad ang isang 42-anyos na drug suspect makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilang salarin habang patungo sa munisipyo nitong Lunes ng umaga para magpalista sa seminar para sa mga umaming sangkot sa droga sa bayang ito.

Sa ulat ni Senior Insp. Joel Dela Cruz, OIC ng Jaen Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, ang biktima ng pamamaril ay nakilalang si Jun-Jun Dela Cruz, alyas “Luin”, ng Sitio Putol, Barangay Niyugan na nabaril sa batok at balikat.

Nabatid na dakong 11:00 ng umaga at magpapalista sa munisipyo si Dela Cruz para sa lingguhang seminar ng mga sumuko sa Oplan Tokhang nang bigla siyang dikitan ng mga salarin at pinagbabaril. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar