ILOILO CITY – Tiniyak ng Department of Tourism (DoT)-Region 6 na nananatiling ligtas na puntahan at libutin ang siyudad at lalawigan ng Iloilo.

Ito ang pagtitiyak ni DoT-6 Director Atty. Helen Catalbas kasunod ng pagtukoy ni Pangulong Duterte nitong Linggo sa probinsiya bilang pinaka-“shabulized” matapos nitong ilahad ang mga pangalan ng mga lokal na opisyal, hukom, pulis at sundalo na sangkot umano sa droga.

Napabilang sa listahan ni Duterte ng umano’y mga narco-politician sina Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, Carles Mayor Siegfredo “Onting” Betita, Maasin Mayor Mariano “Mar” Malones, Sr., at Calinog Mayor Alex Centena.

Pinangalanan din ng Presidente ang ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na dati o kasalukuyang nakatalaga sa Iloilo.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ni Catalbas na bagamat may umiiral na bentahan ng droga, ang Iloilo at ang iba pang bahagi ng Western Visayas ay nananatiling payapa at ligtas, partikular na sa mga turista, dahil “there are no kidnappings here or terrorist threats”. (Tara Yap)