RIO DE JANEIRO — Patunay na hindi kailangan ang droga para maging matagumpay sa sports.

Walang duda, ito ang mensahe ni American swimming champion Lilly King matapos gapiin ang kontrobersiyal na si Yulia Efimova ng Russia sa 100-meter breaststroke finals nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Rio Games.

“It just proves you can compete clean and still come out on top with all the hard work you put in behind the scenes, behind the meet, at practice and weight sessions,” pahayag ng 19-anyos na Indiana University student. “There is a way to become the best and do it the right way.”

Dumating si Efimova sa Rio bilang isang simbolo ng malawakang operasyon ng Russian doping. Nasuspinde siya ng 16 na buwan at lumabas na positibo muli sa ‘meldonium’, ngunit pinayagan siyang makalaro sa Rio dahil siya ang nag-expose sa ginagawang pandaraya sa doping ng Russian-state laboratory na siyang naging dahilan ng pag-ban sa buong Russian athletics team.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakuha ni King ang gintong medalya sa tyempong 48.93 segundo, habang tumapos ng silver si Efimova, na umani ng boos sa crowd. Nakamit ni American Katie Meile ang bronze medal. (Isinalin si Lorenzo Nicolas)