Hindi umano kabilang sa bagong talaan ng Northern Police District (NPD) ang isang major police officer na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa pagbebenta ng shabu.

Ito ang kinumpirma ni NPD Director Police Sr. Supt. Roberto Fajardo sa panayam ng mga mamamahayag.

Ayon kay Fajardo, wala sa rooster nila ang isang Chief Ins. Eric Buenaventura na nakadestino sa Navotas Police Station.

Mayroon umanong Buenaventura sa Navotas Police, pero iba ang pangalan at ranggo nito.

Basta ma-expel din mga sangkot? Rep. Barzaga, tanggap expulsion sa isang kondisyon

Gayunman, tiniyak ni Director Fajardo na sa oras na makumpirma ng kanyang tanggapan na pulis nga nila ang sinasabing police major, personal umano niya itong ihaharap kay Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa para isuko.

"Kaisa po tayo sa adhikain ni Pangulong Duterte at ni PNP Chief sa pagsugpo sa ilegal na droga. Hindi ko hahayaan na may mga tauhan akong protektor o sangkot sa illegal drug activities,” pagtatapos ni Fajardo. (Orly L. Barcala)