Mga laro ngayon
(Smart-Araneta Coliseum)
4:15 n.h. -- Ginebra vs Blackwater
7 n.g. -- Meralco vs ROS
Balik sa normal ang sitwasyon mula sa All-Stars weekend tampok ang duwelo sa pagitan ng Barangay Ginebra at Blackwater Elite sa OPPO-PBA Governors Cup elimination ngayon, sa Amart-Araneta Coliseum.
Magtutuos ang Kings, kasalukuyang nasa ikalawang posisyon hawak ang 3-1, kontra sa Elite sa pambungad na laban ganap na 4:15 ng hapon.
Magkakasubukan naman ang Meralco at Rain or Shine ganap na 7:00 ng gabi.
Galing ang Kings sa 107-93 panalo kontra Meralco sa road game sa Lucena City noong Hulyo 30.
Sa panig ng Elite (1-2) , target nilang makabawi mula sa nalasap na kabiguan sa Rain or Shine, 92-89, noong Hulyo 29 sa Ynares Center sa Antipolo. (Marivic Awitan)