Arestado ang dalawang babaeng tulak matapos makumpiskahan ng tatlong tableta ng ecstasy ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA3) sa ikinasang buy-bust operation sa loob ng isang mall sa Makati City noong Lunes.

Kinilala ni Emerson Margate, PDEA Region 3 director, ang mga suspek na sina Carmencita R. Rogaralias, alyas “Chuchay”, 47 at Glaiza Mae T. De Asis, alyas “Ivy”, 29 kapwa residente ng No. 4481 Calatagan St., Barangay Palanan, Makati City.

Ayon kay Margate, nakipagnegosasyon ang mga operatiba ng PDEA kina Chuchay at Ivy at nagpanggap na bibili ng 150 tableta ng ecstasy at nagkasundong magkita sa isang mall sa Makati kung saan nahuli sila sa aktong hawak-hawak ang ecstasy at akmang iaabot sa poseur buyer.

“The arrest of Rogar and De Asis inside the mall even created commotion because the two resisted arrest”, dagdag ni Margate.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nasamsam ang 151 tableta ng ecstasy na nakapaloob sa tatlong plastic sachet na tinatayang nagkakahalaga ng P225,000 at pati na rin ang marked money na ginamit sa anti-drug operation.

Kasalukuyang nakakulong sina Chuchay at Ivy sa PDEA Jail Facility sa Camp Olivas, City of San Fernando, sa Pampanga.

(FRANCO G. REGALA)