Dahil sa umaalingasaw na amoy, nadiskubre ang naaagnas nang bangkay ng matandang lalaki sa loob ng kanyang condominiun unit sa Makati City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Makati City Police chief Sr. Supt. Rommil Mitra ang biktima na si Hamaya Hiroshi, 80, Japanese, ng Unit 414 4th floor, Osmena South Star Plaza, Barangay Bangkal ng nasabing lungsod.

Ayon kay SPO2 Alfred Reyes ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), dakong 6:36 ng gabi nang nakatanggap ng tawag ang himpilan mula sa pamunuan ng nabanggit na condominium hinggil sa pagkakatagpo ng bangkay ng dayuhan.

Nagsasagawa ng roving inspection ang guwardiyang na si Richard Utak sa ikaapat na palapag ng condominium nang maamoy umano nito ang napakabahong amoy na nagmumula sa silid ng biktima kaya’t agad nitong ipinaalam sa management.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpasya ang pamunuan na puwersahang sirain ang pintuan ng nasabing unit hanggang sa tumambad ang naaagnas na bangkay ni Hiroshi habang nakasubsob ang mukha nito sa sahig.

“Initially no foul play ang nakikita ng investigation natin na-turn over na namin sa SOCO for further investigation.Hindi ko pa nakikita yung inventory sa area,” sambit ni Mitra. (Bella Gamotea)