Libu-libong pasahero ng Metro Rail Transit (MRT)-3 ang naperhuwisyo at maagang nag-alburoto dahil sa muling aberya sa operasyon nito, kahapon ng umaga.

Hindi napigilan ang pag-init ng ulo ng mga pasaherong maagang pumila sa south bound Boni station upang hindi mahuli sa kani-kanilang destinasyon dahil 15 minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumibiyahe ang mga tren.

Maya-maya pa’y nagpaskil na ang mga tauhan ng MRT na nag-aabiso sa mga pasahero na wala munang operasyon mula sa Shaw Boulevard station hanggang Taft Avenue.

Agad namang nagpadala ng apat na bus ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagkaloob ng libreng sakay sa mga naabalang pasahero sa Taft Avenue.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Samantala, iniimbestigahan na ng pamunuan ang pagkakasugat ng isang maintenance crew ng MRT sa Taft Avenue substation matapos umanong maaksidente sa pagkukumpuni ng tren na agad namang isinugod sa San Juan De Dios Hospital.

Bago sumapit ang 8:00 ng umaga kahapon ay kinumpirma ni Department of Transportation and Communications (DoTC) Spokesperson Cherry Mercado na bumalik na sa normal ang operasyon ng MRT-3. (Bella Gamotea)