CABATUAN, Isabela - Isang mangingisda na nakisaya sa picnic ang nasawi matapos malunod sa pagtawid sa Magat River sa Barangay Del Pilar sa bayang ito.

Nananghalian pa kahapon kasama ang kanyang mga kaibigan at kaanak si Arnel Rambac, 41, ng Bgy. Del Pilar, nang malunod siya.

Nabatid na tinawid nito ang ilog, pero hindi na nakabalik dahil sa malakas ang agos ng tubig. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan