Kasado na ang malawakang manhunt operation ng Maguindanao Police Provincial Office (MPP) laban sa isang magsasaka na suspek sa panggagahasa at pagpuputul-putol sa katawan ng tatlo niyang pamangking babae sa lalawigan, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Robert Wala, na ayon sa pulisya ay isa-isa munang hinalay ang tatlong magkakapatid—na hindi muna pinangalanan—bago pinatay at pinagputul-putol ang katawan.

Sinabi ni Insp. Robert Tayabas na nasaksihan pa ng bunsong kapatid ng mga biktima ang pagpatay ng suspek sa mga kapatid nito sa may tabing-ilog.

Nabatid ng pulisya na ulilang lubos na ang magkakapatid at tanging ang lola na lang ang nag-aalaga sa mga ito.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Pagtitinda sa palengke ang sinasabing hanapbuhay ng lola ng mga biktima, at nasa palengke ang matanda nang mangyari ang krimen. (Fer Taboy)