RIO DE JANEIRO (AP) — Bumangon mula sa nakakaantok na simula ang all-NBA US Team para bigyan ng kasiyahan ang manonood at leksiyon sa basketball ang Venezuela, 113-69, nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Rio Olympics.

Hataw si Kevin Durant sa naiskor na 16 puntos at tumipa si Carmelo Anthony ng 14 puntos para sa ikalawang sunod na blowout sa kanilang kampanya na maidepensa ang men’s basketball title.

Ginapi ng American ang Chinese squad sa unang laro nitong Linggo sa bentaheng 57 puntos.

Tabla ang iskor sa 18-all sa pagtatapos ng unang quarter, bago humarurot sa 30-8 sa second period para palubuhin ang bentahe sa unang 20 puntos bago ang halftime. Sa pangangasiwa ni coach Mike Krzyzewski, naitala ng US Team ang 82-1 record sa Olympics.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"Everything's not going to be easy," sambit ni Durant, lalaro sa kampo ng Golden State sa pagbubukas ng NBA season.

"We know that, even with this great team."

Nanguna sa Venezuela si John Cox, pinsan ni retired American superstar Kobe Bryant, sa naiskor na 19 puntos.