Naglabas si Labor Secretary Silvestre H. Bello III ng advisory na nagbabawal sa labor-only contracting at tiyakin ang mahigpit na implementasyon at pagpapatupad sa karapatan ng mga manggagawa sa security of tenure.
“Labor-only contracting is prohibited. This means that labor-only contracting, or those arrangement where the contractor or subcontractor merely recruits, supplies, or places workers to perform a job, work, or service for a principal, is illegal,” pahayag ni Bello.
Umiiral ang labor-only contracting kapag ang isang kontratista o subcontractor ay walang malaking puhunan sa anyo ng mga kasangkapan, kagamitan, makinarya, lugar ng trabaho, at ang mga kinalap na manggagawa ay hindi direktang magtatrabaho sa kumuhang employer. (Mina Navarro)