IPINAGDIRIWANG ang Araw ng Kalayaan ng Ecuador tuwing Agosto 10 para gunitain ang petsa noong 1809 nang ang mga pangyayari sa Quito ay nagbigay-daan para ipaglaban ang kalayaan ng Ecuador. Ang araw na iyon ay nanatiling malapit sa mga puso ng bawat mamamayan ng Ecuador, partikular sa mga taga-Quito. Ipinagdiriwang nila ito ng may pagmamalaki sa pagdalo nila sa mga parada, sayawan, at iba pang pangkulturang pagtatanghal, mga karnabal, mga kasiyahan at military displays. Sa Quito, ang mga kaganapan ay madalas na inoorganisa sa Plaza de la Independencia at sa Palacio del Gobierno.

Nakikibahagi ang Ecuador sa South America sa lupang hangganan ng mga bansang Colombia at Peru. Saklaw ng Ecuador ang kilalang Galapagos Islands, na bumubuo ng isa sa mga probinsiya ng bansa. Maipagyayabang ng Galapagos Islands ang samu’t saring halaman at hayop na hindi matatagpuan sa ibang lugar. Maraming uri ng hayop, tulad ng malalaking pagong ang kung hindi man nanganganib maglaho ay wala na.

Ang Quito, na kabisera ng Equador at ikalawang pinakamalaking lungsod, ay nakalatag sa mga dalisdis ng Pinchincha Volcano hanggang sa mga burol ng Panecilloa at Ichimbia. Itinatag ng mga Spanish noong 1534, sa guho ng lungsod ng Inca, ipinagmamalaki ng Quito ang isa sa pinakamalalawak at pinakaiingatang makasaysayang lugar sa Spanish America.

Tampok sa lungsod ang kahanga-hangang halimbawa ng Baroque school of Quito (Escuela Quitena), na nagsasama sa mga katutubo at European artistic na tradisyon na kilala sa pagbibigay ng malaking ambag ng Spanish America sa pandaigdigang sining. Halimbawa nito ang mga monasteryo ng San Francisco at Santo Domingo, at ang simbahan ng Jesuit College of La Compania. Sa enggrandeng disenyo ng loob nito, isa itong tunay na halimbawa ng “Baroque school of Quito” na pinagsama-samang Spanish, Italian, Moorish, Flemish, at katutubong sining.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa ngayon, ang Quito ay isa nang world-class na lungsod. Inilarawan ito ng isang travel blog bilang “most beautiful big city in South America” dahil matatagpuan ito sa sentro ng mga lambak na pagitan ng matatayog na tuktok ng Andean.

Nasa lungsod ang maraming parke at liwasan at nasa isandosenang kainan na naghahain ng masasarap na pagkain.

Ang mainit at mabuting ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Ecuador ay napanatili dahil sa opisina ng kani-kanilang konsulado. Matatagpuan ang pangunahing opisina ng konsulado ng Ecuador sa Maynila habang ang tanggapan ng konsulado ng Pilipinas ay nasa Guayaquil at Quito. Miyembro ang Ecuador ng United Nations at pati ng mga specialized agency nito, at ng Organization of American States. Kasapi rin ito ng maraming regional group, kabilang ang Rio Group, ang Latin American Energy Organization, ang Community of Andean Nations, at ang Union of South American Nations (UNASUR), na inangkin ng Ecuador ang rotational presidency simula Agosto 2009 hanggang Nobyembre 2010.

Binabati namin ang mga Mamamayan at Gobyerno ng Republika ng Ecuador, sa pangunguna ni President Rafael Correa, sa kanilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.