SAN MARIANO, Isabela - Patay na ang isang 25-anyos na babae nang balikan siya ng kanyang live-in partner na pansamantalang umalis ng bahay matapos silang magkasagutan dahil sa utang sa Purok 6, Barangay Sta. Filomena sa bayang ito.

Sa ulat ni SPO3 Xavier G. Cerina, dakong 7:00 ng gabi nitong Lunes nang sa pag-uwi ni Vincent Ramos, 23, sa kanilang bahay ay salubungin siya ng nakabigting bangkay ni Nerissa Abad, 25, tubong Batal, Santiago City.

Ayon kay Ramos, umalis siya ng bahay matapos silang magtalo ni Abad tungkol sa kanilang utang. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar