Sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos noong Martes na isa sa mga inaasahan niyang makakapulong sa Hong Kong upang muling pasiglahin ang relasyon sa China na pinaasim ng iringan sa South China Sea ay ang pinuno ng isang Chinese government think-tank.

Nagpasya ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong Hulyo 12 na walang makasaysayang batayan ang pag-aangkin ng China sa abalang bahagi ng tubig at nilabag nito ang mga karapatan sa soberanya ng Pilipinas, bagay na ikinagalit ng China, na ibinasura ang kaso.

“I’ve always been a very optimistic person, always looking for the best results,” sabi ni Ramos sa mga mamamahayag sa Hong Kong. “But of course, that also depends on the attitude of the Chinese officials.”

Hindi nagbigay si Ramos ng mga detalye ng kanyang itinerary o ng mga balak niyang makaharap, bukod kay Wu Shicun, na namumuno sa National Institute for South China Sea Studies think-tank, na nakabase sa katimogang isla ng Hainan, China.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nang tanungin tungkol sa iba pa, gaya ni dating Chinese deputy minister for Foreign Affairs Fu Ying, sinabi ni Ramos wala pa siyang alam.

“They all have links with Beijing, because some of them are already retired but elevated to the parliament as chairman of this and that committee.”

Sinabi ni Ramos na layunin niyang mapabuti ang ugnayan sa ekonomiya at turismo ng dalawang bansa, gaya ng pagpapahintulot sa marami na makapangisda sa bahagi ng Scarborough (Panatag) Shoal na nasa exclusive economic zone ng Pilipinas.

“The idea is to use the South China Sea as a place to save lives, but not to kill people or to destroy lives,” dagdag niya.

Isa sa mga dahilan na nagtulak sa Manila na isulong ang arbitration ay ang pag-agaw ng China sa Scarborough Shoal noong 2012 at pagbabawal sa mga Pinoy na mangisda rito.

Kilala si Ramos, 88, na inilarawan ang kanyang papel bilang “icebreaker”, sa impromptu duet nito ng ‘Love Me Tender’ ni Elvis Presley kay dating Chinese president Jiang Zemin sa isang piging noong 1996.

Sinabi ng Xinhua, ang news agency ng China, sa isang komentaryo na ang biyahe ni Ramos ang unang kongkretong hakbang sa pag-uusap ng dalawang panig na maaaring magbukas ng bagong kabanata sa pagreresolba ng gusot.

Si Ramos ang pangulo ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998, nang okupahin ng China ang nakalubog na Mischief (Panganiban) Reef. (Reuters)