Aarangkada na ngayon ang pagdinig sa kahilingang mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para malutas ang problema sa trapiko.

Ayon kay Senator Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, aalamin ng kanyang komite kung kailangan ang emergency powers at kung sakaling maibigay ito, tutukuyin din kung hanggang saan at ano ang magiging saklaw ng kapangyarihan.

Nauna nang nanawagan si Senate Minority Leader Ralph Recto na maghinay-hinay at alamin kung kailangan talaga ni Duterte ang emergency powers sa trapiko.

Umaasa din si Poe na makakadalo ang mga resource speaker na kanilang kinumbida.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kabilang sa mga kinumbida ay sina Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, Undersecretary for Planning Rommel Gavieta, Undersecretary for Administration and Finance Garry De Guzman, Undersecretary for Maritime Felipe Judan, Undersecretary for Air Sector Bobby Lim at iba pa.

Nanawagan naman si Sen. Alan Peter Cayetano na agad bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo para maresolba ang problema.

(Leonel M. Abasola)