Isisiwalat din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan naman ng mga celebrity sa bansa na sangkot sa ilegal na droga.

“I’m sure there will be announcements made if there are validated intelligence reports,” ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella sa Palace press briefing.

Ang pahayag ni Abella ay tugon sa tanong kung may mga celebrities at high profile persons na sangkot sa ilegal na droga.

Magugunita na matapos basahin ng Pangulo ang pangalan ng halos 160 personalidad, sinabi nito na marami pa siyang ilalahad mula sa hanay naman ng prosecutors at barangay officials.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Shabu ‘di na mabili

Sa Davao City, inihayag naman ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald Dela Rosa na mahirap nang makabili ng shabu sa Metro Manila.

“Ngayon, mahihirapan ka ng bumili, hirap na ang supply, hirap na ang supply,” ani Dela Rosa, ‘di tulad umano noon na parang candy lang ang shabu sa pamilihan.

Mensahe nito sa mga sangkot sa ilegal na droga, “Hulat-hulat lang. Kung mamatay pasensya, kung mabuhi okay lang (Just wait, if you get killed, I’m sorry. If alive, it’s okay),” ani Dela Rosa. (Genalyn Kabiling at Antonio Colina IV)