Maaari nang manatili sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ang libu-libong overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho roon matapos mangako ng bagong trabaho para sa kanila ang gobyerno ng Saudi.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) na mismong si Saudi King Salman bin Abdulaziz Al Saud ang nag-utos sa Ministry of Labor (MOL) ng Saudi na bigyan ng bagong trabaho ang mga OFW, na tinanggal sa mga nabangkaroteng construction firm sa KSA.

“We were also informed that the Ministry of Labor will allow the transfer of workers to other companies should they wish to continue working in KSA. The workers may look for new employers, and the good things is the Ministry of Labor will mobilize the Mega Manpower Companies to offer jobs to workers,” sabi ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa isang pahayag.

Iniutos din ni King Salam sa MOL na magpadala ng mga abogado upang tulungan ang mga apektadong OFW sa paghahain ng money claim mula sa kanilang mga dating employer.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The Saudi Labor Officers will officially receive cases at the camps instead of requiring thousands of workers to file a case at the Saudi Labor Office building,” sabi ni Bello.

Sinabi noon ni Bello na mahigit 11,000 stranded OFWs sa KSA ang nag-aalangang umuwi sa Pilipinas dahil hinihintay pa rin nila ang paglabas ng kanilang mga money claim o umaasa pa rin na muling magbubukas ang kanilang mga dating kumpanya.

Lilipad si Bello sa KSA sa susunod na linggo upang ayusin ang repatriation ng mga OFW na hindi na interesadong kunin ng iba pang kumpanya sa Saudi.

Sinabi niya na magiging mas madali na ngayon ang trabaho matapos pumayag si King Salman na alisin ang immigration penalties ng mga OFW dahil sa pagpaso ng kanilang mga working visa at babalikatin ang pamasahe sa eroplano pabalik sa Pilipinas.

Habang ipinoproseso ang repatriation, pumayag din ang gobyerno ng Saudi na magbigay ng pagkain at welfare aid sa mga apektadong OFW. (SAMUEL P. MEDENILLA)