JAKARTA, Indonesia (AP) – Binuksan ng Indonesia ang bagong terminal sa Jakarta airport noong Martes.

Nagsimulang lumipad ang mga domestic flight para sa national carrier na Garuda sa umaga mula sa steel at glass na $560 million Terminal 3 ng Soekarno-Hatta airport.

Ililipat dito ang mga international flight sa susunod na buwan.

Ang Indonesia, isang kapuluan ng mahigit 250 milyong mamamayan, ay isa sa pinakamabilis lumagong air travel markets sa mundo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ngunit maraming international airlines ang mas pinipili ang makabago at malalaking paliparan sa Bangkok, Singapore o Kuala Lumpur para sa mga stopover sa Southeast Asian.

Umaasa ang gobyerno na babaguhin ng bagong terminal ang kalakarang ito.