Nakisalo ang Sportswriters sa liderato matapos biguin ang Photographers, 73-69, Biyernes ng gabi tungo sa puwestuhan sa matira-matibay quarterfinals ng 2016 Friendship Cup - Para Kay Mike Basketball for a Cause Tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Itinala ng Sportswriters ang ikalimang panalo sa loob ng pitong laro upang saluhan sa liderato ang Bangko Sentral ng Pilipinas na nagwagi naman sa Sports TV5 via forfeiture sa torneo na hangad makapagkalap ng pondo para sa pagpapagamot ni Bandera correspondent Michael “Mike” Lee.

Inokupahan ng Bangko Sentral ang unang silya habang ikalawa ang Sportswriters bunga ng winner-over the other rule kahit na pantay sa bitbit na 5-2 karta habang magkakasalo ang Poker King Club, Full Blast Digicomms at PAGCOR sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto na may 4-3 marka.

Nasa ikaanim ang Philippine Sports Commission (3-4) habang magkasalo ang may tig-isa pang laro na TV5 at Photographers na kapwa may 1-5 karta.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Walong koponan ang kasali sa torneo na sinusuportahan din ng F2 Logistics Cargo Movers at SportsCORE kasama ang bagong pamunuan ng Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William “Butch” Ramirez. - Angie Oredo

Iskor:

Sportswriter (73) – Cayanan 30, Tupas 27, Retuya 12, Cagang 3, Jacinto 1, Orellana 0, Leongson 0, Dawa 0.

Photographers (69) – P.Santos 27, N. Santos 20, Casimiro 6, Dela Cruz 2, Gatpandan 2, Reyes 2, Billones 2, Heramis 0. Palma 0.

Quarterscores: 16-15, 37-32, 56-54, 73-69.