Agosto 9, 1930 nang unang lumabas ang cartoon character na si Betty Boop sa “Dizzy Dishes.”Sa orihinal, mukha siyang aso na may nakalaylay na mga tenga, at unang inilaan para maging love interest ng aso na si Bimbo.
Sa cartoon, gumanap siya bilang ang bidang asong babae. Lumabas siya ng 57 segundo, pero namangha ang milyun-milyong manonood nang kumanta siya ng “I’m So blue”
Nilikha si Betty Boop ni Max Fleischer, at si Mae Questel ang isa sa mga nagboses sa kanya. Unang naging tao ang karakter ni Betty Bop noong 1932 sa cartoon short na “Any Rags,” at binatikos dahil sa labis niyang kaseksihan noong 1930s. Siya ay may positibong pag-uugali, may maiksing palda at maiksing buhok.
Itinampok din si Betty Boop sa iba’t ibang bagay, tulad ng mga cell phone case, sa mga car mat, at napanood din sa ilang pelikula at iba pang cartoons.