RIO DE JANEIRO (AP) — Nakopo ni American swimming star Michael Phelps ang ika-19 na gintong medalya sa Olympics.

Kasama ang 26-anyos na si Phelps sa US Team na nagwagi sa 4x100-meter freestyle sa tyempong tatlong minuto at 9.92 segundo.

Nakuha ng France ang silver (3:10.53), habang bronze ang Australia (3:11.37).

Bagong laban, bagong world record kay Adam Peaty.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hataw ang British swimming champion sa 100-meter breaststroke sa tyempong 57.13 segundo, sapat para lagpasan ang dating marka na 57.55 na kanyang naitala sa Heat sa the Olympic Aquatics Stadium.

Naitala rin ni American Katie Ledecky ang gintong medalya sa women’s 400-meter freestyle sa bagong world record na tatlong minuto at 56.46 segundo, mas mabilis sa dati niyang marka na 3:58.37 na naitala niya sa Gold Coast of Australia noong 2014.

Ginapi ni Peaty ang defending champion na si Cameron van der Burgh ng South Africa (58.69), habang napunta ang bronze sa kanyang teammate na si Kevin Cordes (58.87).

“It’s surreal,” aniya.

“After my race I needed to slap something and there was just the water right there. It was crazy. It’s amazing and I probably won’t be able to sleep tonight.”

Naitala rin ni Sweden’s Sarah Sjostrom ang bagong world-record sa 100m butterfly.

Tangan niya ang bentahe mula simula tungo sa gintong medalya sa tyempong 55.48 segundo, mas mabilis sa dating niyang marka na 55.64 sa 2015 world championships.