Hiniling ni Pwersa ng Bayaning Atleta Partylist Rep. Jericho Jonas Nograles sa Philippine National Police-Highway Patrol Group at sa Land Transportation Office na gumawa ng kaukulang aksiyon laban sa mga motorista na gumagamit ng temporary at unauthorized diplomatic plates upang makalusot sa trapik.

Sinabi ni Nograles na personal niyang nasaksihan ang isang convoy ng mga behikulo na may malalakas na sirena at blinkers na may mga taglay na marking “FOR REGISTRATION/DIPLOMATIC/UN SPECIALIZED AGENCY GIDIFA” sa southbound lane ng EDSA noong Agosto 1.

“I believe that their mere acts merit the attention of the Highway Patrol Group as they have blatantly violated Presidential Decree No. 96 which comes with a corresponding penalty of six months imprisonment among others. They may be also liable of violating Section 34 (b-1) of Republic Act 4136 and MMDA Regulation No. 03-005,” diin ni Nograles sa liham na ipinadala niya kay P/Senior Supt. Antonio N. Gardiola, hepe ng PNP-HPG.

Kalakip ng liham ang mga larawan at video ng mga sasakyan na may sirena at blinker upang pilitin ang ibang mga behikulo na tumabi at sila’y bigyang-daan. - Bert de Guzman

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador