PAGKARAANG magbahagi ng mga totoong kuwento ng buhay sa nakalipas na 25 taon, isang commemorative album naman ang handog ng Maalaala Mo Kaya upang magbigay-inspirasyon sa mga Pilipino at ipagdiwang ang silver anniversary ng long-running drama anthology sa Asya.

Laman ng naturang album, na pinamagatang MMK Life Songs, ang iba’t ibang kantang gumugunita sa mga hindi malilimutang sandali ng buhay na inawit ng iba’t ibang OPM icons at bagong henerasyon ng OPM singers sa bansa.

Sadyang espesyal ang buong album dahil personal na pinili ng MMK host na si Charo Santos ang bawat kanta at artist na nilalaman nito.

“Magaganda ang mga awitin dito, at sana ay makapaghatid ito ng inspirasyon sa ating mga Kapamilya. Magandang kasama ang album kahit saan at kahit ano ang ginagawa mo. It makes one reflective. Nakakapagdala rin ng kilig ang mga ibang awitin, at naaalala mo ang mga mahal mo sa buhay,” ani Ma’am Charo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kalakip din ng mga awitin ang “reflections” na mismong isinalaysay na mismong si Charo ang nagsalaysay.

Kabilang sa album ang unang single nitong Desiderata, isang orihinal na tula ni Max Ehrmann na isinalin sa Filipino ni Enrico Santos. Tampok din sa nasabing single ang TBUP choir at ang pinakamalaking collaboration ngayong taon ng bigating OPM icons na sina Lea Salonga, Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Sharon Cuneta.

Simula nang ilunsad noong ​Hulyo ang music video ng Desiderata, nakatanggap na ito ng papuri mula sa audience at libu-libong views online.

Kasama rin sa MMK Life Songs ang Sana na inawit ng apo niyang si Julia Concio at ni Piolo Pascual, Handog nina Aiza Seguerra at Noel Cabangon, at Iingatan Ka ng mag-inang sina Janella Salvador at Jenine Desiderio.

Tampok din sa album ang internationally acclaimed artists na sina Charice at Jed Madela, at acclaimed singers na sina Darren Espanto, Jona, Juris, Kyla, at KZ.

Kabilang sa track list ang mga awiting Because You Loved Me, I’ll Be There For You, You, She’s Always a Woman, Gaya ng Dati, Piece by Piece, at I’ll Be There.

Ang MMK Life Songs ay ipinrodus ni Jonathan Manalo. Available na ito sa record bars nationwide. Maaari na ring ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instgram.com/Starmusicph.