Nasa 168 sangkot sa droga ang napatay sa mga operasyon ng pulis sa Metro Manila sa nakalipas na mahigit isang buwan, batay sa datos na inilabas kahapon ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya ng pulisya kontra ilegal na droga at kriminalidad.

Sinabi ni NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde na umabot na 168 sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang napatay sa mga operasyon ng pulisya simula Hulyo 1 hanggang Agosto 7.

Pinakamaraming naitala ang Manila Police District (MPD), na 66 ang napaslang na drug suspect, kasunod ang 37 sa Northern Police District (NPD); 29 sa Quezon City Police District (QCPD); 20 sa Southern Police District (EPD), at 16 naman sa Eastern Police District (EPD).

Batay pa sa datos ng NCRPO, may kabuuang 1,365 sangkot sa droga ang naaresto ng awtoridad; nasa 305 kilo ng shabu ang nakumpiska, bukod pa sa 12 ecstacy tablet, 61 valium at 500 milliliter ng ketamine.

Metro

Intramuros, mapupuno ng pagtatanghal buong taon—NCCA

Samantala, sa anti-illegal drug operations ay 86 ang nasawi sa pagkakasangkot sa droga sa Metro Manila, at 110 baril, 31 patalim, at anim na granada ang narekober. (Bella Gamotea)