TARLAC CITY - Isang tricycle driver na pinaniniwalaang inatake sa puso sa sobrang pagod sa pamamasada ang natagpuang patay sa Block 4, Barangay Sto. Cristo sa Tarlac City.

Sinabi ni PO1 Gilbeys Sanchez na wala nang buhay nang natagpuan si Alejandro Estabillo, 59, driver ng tricycle (RV-2014).

Dakong 4:30 ng umaga nitong Linggo nang ipinarada ni Estabillo ang kanyang tricycle sa lugar para magpahinga hanggang sa natagpuan siyang wala nang buhay. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar