‘MUSIC is Coming’ para sa fans ng sikat na medieval fantasy series ng HBO na Game of Thrones
Inihayag ang “Game of Thrones Live Concert Experience” na may parade sa saliw ng tugtugin ng marching band sa Sunset Boulevard sa Los Angeles noong Lunes. Pinaplano ni Ramin Djawadi, composer ng palabas ng Game of Thrones, na buhayin ang fictional na lugar na Westeros sa concert.
“It will be an immersive experience,” ani Djawadi . “We’re going to be building our own stage and it’s going to be 360 degrees so you can see from anywhere in the arena and it should be really great visually. The sets we’ve designed are going to be reminiscent of some of the special moments in the show so it should be a great musical experience but also a great visual experience.”
Sinulat ni Djawadi ang hindi makakalimutang title track ng palabas pati na ang mga tema ng lahat ng main houses at karakter tulad nina Arya Stark, Jon Snow, at Daenarys Targaryen. Itinatampok ng Game of Thrones ang mga mechanical animation na nagpapakita ng mga geographical setting ng bawat realm sa palabas.
Nominado ang Game of Thrones sa 23 Emmy awards ngayong taon, at magtatapos sa susunod na dalawang taon sa ikawalong season, na ikinaalarma ng actor na si Isaac Hempstead-Write, ang gumaganap bilang Bran sa serye.
Sabi ng aktor, siya ay “terrified. I’ve been doing this for sort of 7 years of my life so think the whole thing is going to end one day, it’s like leaving school or something.”
Ang tour ay magsisimula sa Kansas City, Missouri sa Pebrero 15, 2017 at lilibot sa buong US at Canada, at magtatapos sa Portland, Oregon sa Abril 2. (Reuters)